Pag mukhaan kong nakita Ang nagligtas sa sala, Pupurihin ko tuwina, Napakong walang sala.
REFRAIN
Mukhaan kong makikita Sa langit na masaya L'walhating walang kapara Ng nagligtas sa sala.
Ngayo'y bahagya pa lamang Kung Siya ay mamasdan, Nguni't pagdating ng araw Mamasdan kong mukhaan.
Sa harap N'ya'y anong galak Kung mat'wid na ang lahat, Kung lumipas na ang hirap Dilim ay lumiwanag.
Oh, masanghayang umaga, Ng ating pagkikita, Lagi nang magsasasama Magpasa walang hangga.